31 May 2025
Calbayog City
Local

Presyo ng basic commodities sa Calbayog City, hindi kailangang itaas, sa gitna ng rehabilitasyon sa San Juanico Bridge

IDINEKLARA ng Price Monitoring Council na walang pagtaas sa presyo ng essential goods sa Calbayog City, sa kabila ng isinasagawang emergency rehabilitation sa San Juanico Bridge.

Ipinatawag ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang konseho upang ma-monitor ang supply at presyo ng mahahalagang bilihin.

Sinabi ni Mayor Mon na ang limitadong paggamit sa tulay ay hindi dapat makaapekto ng malaki sa supply ng essential goods.

Hindi rin naman aniya nakadepende ang lungsod sa mga supply na dumadaan sa tulay.

Ipinaliwanag din ng alkalde na ang presyo ng mga produktong petrolyo ay regulated sa national level, na ang ibig sabihin ay ang mga serbisyo at produkto na nakadepende sa petrolyo, gaya ng transportation at delivery, ay walang justification para magtaas.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).