HINDI pa gaanong magiging malaki ang epekto sa presyo ng baboy at manok ng nararanasang krisis sa Middle East.
Sinabi ni Philippine Chamber of Agriculture and Food Incorporated President Danilo Fausto na hindi inaasahang sisirit ng husto ang presyo ng baboy.
Nagpataw din aniya ng price cap ang Pork Producers Federation upang hindi gaanong tumaas ang presyo ng baboy kahit pa tumaas ang shipping cost.
Samantala, matumal at may oversupply naman ng manok sa bansa ayon kay Fausto, kaya mababa rin ang presyo nito sa ngayon.
Sinabi ni Fausto na ang farmgate price ng manok sa ngayon ay nasa eighty to ninety pesos, kaya kung tutuusin ay lugi pa nga ang mga magma-manok.
Payo naman ni Fausto sa mga consumer, magtipid-tipid muna at planuhing mabuti ang kanilang paggastos.




