HINDI tinanggap ni Transportation Secretary Vince Dizon ang paliwanag at paghingi ng paumanhin ng Florida Bus Co. matapos mag-viral ang insidente ng karerahan ng mga driver nito sa national highway ng lalawigan ng Cagayan noong June 8, 2025.
Agad sinuspindi ng 30 days ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng labinglimang bus ng Florida.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Kabilang sa sinuspinde ang mga bus na may rutang Sta. Ana hanggang Sampaloc sa Cagayan at sa rutang Baguio hanggang Apayao.
Sinuspinde rin ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng mga sa sangkot na driver sa loob ng 90 araw, habang sasailalim ang lahat ng driver ng kumpanya sa Mandatory Drug Test.