NANAWAGAN ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) para sa karagdagang volunteers upang bumilis ang kanilang operasyon, dalawang araw matapos ang halalan 2025.
Kasunod ito ng pagtanggap ng Church-based watchdog ng 11,800 Election Returns, na kumakatawan sa 12.71% ng ERs sa bansa.
Sinabi ni PPCRV Spokesperson Ana Singson na kailangan nila ng mas maraming volunteers dahil nagdadatingan na ang ERs.
Idinagdag ni Singson na napakahalaga ng pag-audit dahil susuriin nila ang integridad ng mga trinansmit na boto.
Umaasa ang PPCRV official na magkakaroon sila ng kaparehong bilang ng volunteers noong 2022 elections, na umabot sa mahigit 400,000 at kanilang dineploy sa field at Command Center.