Nasa kustodiya na ng mga awtoridad sa New Jersey ang itinuturing na “extremely dangerous” suspect na bumaril at pumatay sa tatlong miyembro ng pamilya.
Mapayapang sumuko sa mga pulis ang bente sais anyos na si Andre Gordon, matapos ang maghasik ng karahasan sa dalawang states.
Sinimulan ng umano’y homeless na si Gordon ang krimen sa pag-carjack ng sasakyan sa trenton saka nagtungo sa Levittown sa Philadephia, kung saan pinatay nito ang kanyang 52-year old stepmother at 13 years old na kapatid na babae.
Muling nag-drive ang suspect patungo sa kalapit na bahay at pinatay ang bente singko anyos na babae na umano’y ina ng kanyang dalawang anak.