MAAYOS na nakapagpahinga magdamag si Pope Francis ayon sa update na inilabas ng Holy See Press Office araw ng Martes, Feb. 25.
Ayon sa update mula sa Vatican, bagaman nananatiling kritikal ang kondisyon ng Santo Papa ay nakitaan ito ng bahagyang improvement.
ALSO READ:
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Hindi rin ito nagkaroon ng episodes ng asthma-like respiratory distress at may improvement din sa resulta ng ilan sa kaniyang laboratory tests.
Patuloy din ang kaniyang oxygen therapy bagaman binawasan na ng bahagya ang flow at oxygen levels.
Nagawa pang tumawag ng Santo Papa sa Catholic Parish sa Gaza para pasalamatan sila sa ipinadalang video message. (DDC)
