6 July 2025
Calbayog City
Overseas

Pope Francis, ililibing sa Sabado, ayon sa Vatican

INANUNSYO ng Vatican na sa Sabado ililibing si Pope Francis.

Ang funeral ng Santo Papa na inaasahang dadagsain ng napakaraming deboto ay isasagawa, alas diyes ng umaga, sa harapan ng St. Peter’s Basilica sa Vatican.

Dadalhin ang kabaong ni Pope Francis na gawa sa wood at zinc, sa loob ng simbahan ay mula roon ay ihahatid sa Rome Basilica of Santa Maria Maggiore para ilibing.

Ang walumpu’t walong taong gulang na Argentine Pontiff ay pumanaw noong Lunes dahil sa stroke, halos isang buwan mula nang i-discharge mula sa limang linggong pananatili sa ospital dahil sa double pneumonia.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).