NAIS ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) na iapela ang pananatili ni Jorge De Brito sa Alas Pilipinas bilang head coach.
Ayon sa Volleyball Body, nakatakda ang tour of duty ng Brazilian Tactician sa Chinese Taipei sa sandaling mag-expire ang kontrata nito sa June 30.
Gayunman, nais ng PNVF na ipagpatuloy ni De Brito ang kanyang programa sa alas, na nakitaan ng malaking tagumpay, lalo na nitong mga nakalipas na araw, kasunod ng matatag na pool stage campaign sa 2024 AVC Challenge Cup.
Sa ilalim ng paggabay ni De Brito, tumalon ang Pilipinas sa No. 55 mula sa No. 63 sa latest FIVB World Rankings.