BALIK na sa normal na operasyon ang PNP General Hospital matapos masunog ang isang bahagi nito noong Linggo ng gabi.
Sumiklab ang sunog alas diyes bente ng gabi matapos ang isang pagsabog sa pagitan ng Special Ward ng ospital at ng Neonatal Intensive Care Unit (NICU).
ALSO READ:
Agad namang rumesponde ang Base Fire Section Emergency Team at ang Bureau of Fire Protection sa insidente.
Ayon sa PNP, wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa sunog na naapula makalipas ang halos isang oras.
Inaalam pa ng Arson Investigators ang sanhi ng sunog at halaga ng mga natupok na ari-arian.




