SINUSPINDE ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan si Batangas 1st District Engineer Abelardo Calalo.
Epektibo ang suspensyon ni Calalo, umano’y nagtangkang suhulan si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ng humigit kumulang tatlong milyong piso, ngayong Martes.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Binigyang diin ni Bonoan na magsilbi sana itong babala sa lahat ng district engineers bago sila gumawa ng anumang iregularidad.
Kinumpirma ni Leviste ang insidente, sa pagsasabing magsasampa siya ng kaso laban kay Calalo sa Office of the Batangas Provincial Prosecutor, ngayong araw.
Sa kasalukuyan ay nasa Kustodiya ng Taal Police si Calalo na kakasuhan ng paglabag sa Article 212 ng Revised Penal Code o Corruption of Public Officials at ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
