PLANO ng Northern Samar Provincial Government na patatagin ang kanilang kolaborasyon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito ay upang mapagbuti ang disaster risk reduction and emergency response capabilities sa lalawigan.
ALSO READ:
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Pagpapatibay sa Waste Management System, binigyang diin sa dayalogo sa Calbayog City
Halos 100 taong gulang na Ormoc Maternity Hospital, ipinasara!
Kamakailan ay bumisita si Northern Samar Vice Governor Clarence Dato sa MMDA Command Center sa Metro Manila, kung saan nakausap niya sina MMDA Chairman Romando Artes at MMDA General Manager Nicolas Torre III.
Sinabi ni Dato na sa naturang meeting ay pinagtibay ng MMDA ang commitment na suportahan ang Northern Samar, partikular sa disaster preparedness at response initiatives.
