ISINIWALAT ni Ogie Diaz ang kanyang talent management style.
Inamin ni Ogie na pati ang personal na buhay ng kanyang talents ay pinakikialaman niya.
ALSO READ:
Ipinaliwanag din ni Ogie kung bakit mahalaga para sa talent manager na magbigay ng payo hinggil sa personal na buhay ng isang artista.
Aniya, kapag kasi sinira ng artista ang personal nitong buhay, sira na rin ang career nito, kaya dapat inaayos, pinakikialaman, at nagsa-suggest ang talent manager.
Kabilang sa mga dating hinawakan ni Ogie ang career nina Vice Ganda at Liza Soberano.
Ipinagmalaki rin ng talent manager na kung mayroon mang major lesson na naibahagi niya sa kanyang dating mga alaga, ito ay ang kahalagahan ng pag-i-invest sa properties.




