15 March 2025
Calbayog City
Local

HIV cases sa Region 8, nananatiling mataas

Mataas pa rin ang kaso ng HIV Region 8 ayon sa Department of Health Region.

335 ang kasong naitala mula Enero hanggang Setyembre noong 2023.

Isandaan siyamnapu’t isa ang galing sa Baybay, Ormoc, at Tacloban City sa Leyte. 40 ang sa Northern Samar; 37 sa Samar; Southern Leyte, 28; Biliran, 20; at Eastern Samar na may 19 cases. Dalawampu’t dalawa naman ang naitalang nasawi dahil sa sakit.

Ayon kay Dr. Ludina Insigne, HIV Medical Coordinator, karamihan sa mga nagpopositibo ay ang nasa edad 25 hanggang 30 anyos. At posible pang bumaba ito sa 15 hanggang 24 anyos dahil aniya mapusok ang mga kabataan ngayon.

Puspusan ang kampanya ng DOH-Region 8 lalo na sa mga paaralan sa pagsugpo sa lumulobong kaso.

Payo ng ahensiya na magpasuri lalo na kung nakipagtalik nang walang proteksiyon, mga nakikipagtalik sa kaparehong kasarian, at ang paiba-iba ng partner. Sa ganitong paraan, umaasa ang ahensiya na mapapababa ang bilang ng HIV sa rehiyon.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *