NAGTIPON-tipon ang young artists at mga residente sa isang Youth-led Community Mural Initiative, na tinawag na “Pintahang Pagkakaisa,” sa Tacloban City, para isulong ang nasyonalismo sa pamamagitan ng public art.
Sa pangunguna ng youth group na Amare Et Caritas, sa pakikipagtulungan ng Joint Task Force Tacloban ng Philippine Army at iba pang stakeholders, layunin ng dalawang araw na aktibidad na nagtapos kahapon na pagyamanin ang patriotism, unity, and civic responsibility sa pamamagitan ng collaborative mural painting.
Militar sa Eastern Visayas, nanawagan sa mga rebelde na magnilay-nilay ngayong Semana Santa
Halos 300 senior high student sa Leyte, na-hire on the spot sa job fairs
Higatangan Festival sa Biliran, kinansela sa gitna ng lumolobong presyo ng produktong petrolyo
Responsible pet ownership, pinaigting pa sa Tacloban City
Sa temang “Lupa Ng Araw, Bayang Di Pasisiil,” lumikha ng murals ang mga participant sa slope protection wall sa kahabaan ng Congressman Mate Avenue.
Binigyang-diin ni Jon Ivan Torreros, presidente ng organisasyon, ang papel ng sining sa paghubog sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino bago pa man ang colonial period.
Idinagdag din ni Torreros na maaaring lumikha ang artificial intelligence ng imahe, subalit hindi nito kayang i-capture ang emosyon at pagkakaisa.
