PINALAKAS pa ni EJ Obiena ang kanyang paghahanda para sa 2024 Paris Olympics makaraang manalo ng gold medal sa USATF Los Angeles Grand Prix sa Drake Stadium sa Los Angeles.
Namayagpag ang bente otso anyos na pole vault ace makaraang makapagtala ng 5.80 meters para makumpleto ang panibagong torneyo, ilang buwan na lamang bago ang ikalawang sunod na appearance sa Summer Games.
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Tinalo ni Obiena si Simen Guttormsen ng Norway na nakapagtala ng 5.70 meters, gayundin ang hometown bets na sina KC Lightfoot at Christopher Nilsen na nakakuha rin ng 5.70 meters.
Ito ang pinakabagong gintong nasungkit ng pinoy pole vaulter ngayong taon makaraang manguna sa Memorial Josip Gasparac sa Croatia at ISTAF Indoor Tournament sa Berlin na kapwa ginanap noong Pebrero.
