ILILIPAT ni Filipino olympian at pole vaulter na si EJ Obiena ang kanyang focus sa outdoor season, bunsod ng hindi paglalaro sa world athletics indoor championship dahil sa kakulangan ng kompetisyon.
Sa kanyang post sa facebook, sinabi ni Obiena na bagaman may panahon pa para mag-qualify sa world indoor championships, wala nang kompetisyon na natitira para sa kanya na maari niyang salihan.
ALSO READ:
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Ipinaliwanag ng pinoy olympian na ang huling kompetisyon ay noong Feb. 16 sa Torun, Poland at sunod na nakuha niya ay sa Mondo classic sa March 13, na nasa labas na ng qualification period.
Inihayag pa ni Obiena na bagaman hindi siya makapaglalaro sa indoor championships, ay sisimulan na niya ang paghahanda para sa outdoor season.
