6 October 2024
Calbayog City
Sports

Pinoy Gymnast Carlos Yulo todo na ang pag-e-ensayo para sa 2024 Paris Olympics

ANIM na buwan bago ang 2024 Summer Olympics sa Paris, todo na ang pag-e-ensayo ng Filipino gymnast na si Carlos Yulo upang mapaghusay pa ang kanyang performance at maabot ang kanyang goal.

Inilipat ng bente tres anyos na pinoy gymnast ang kanyang traning camp sa manila mula Tokyo, Japan para sa mas mataas na lebel ng pagsasanay para sa kanyang routines sa tatlong apparatus na kinabibilangan ng floor, vault, at parallel bars.

Nakuha ng two-Time World Champion ang kanyang ticket sa Paris Games noong October 2023, nang makaabot siya sa finals ng floor exercise sa world artistic gymnastics championship sa Belgium.

Si Yulo ang ikalawang Pilipino na nag-qualify sa Olympics, kasunod ng pole vaulter na si EJ Obiena. 

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *