WAGI ang Filipino boxer na si Eumir Marcial sa pamamagitan ng Majority Decision matapos ang Epic Showdown laban kay Eddy Colmenarez ng Venezuela, sa Co-Main Event ng “Thrilla in Manila 2” sa Araneta Coliseum.
Dahil dito, napasakamay ni Marcial ang World Boxing Council (WBC) International Middleweight Crown at umakyat ang kanyang Record sa 7-0, kabilang ang 4 Knockouts, kasunod ng Slugfest.
Isa sa mga judge ang nagbigay ng Score na 94-94 habang dalawa ang kapwa nagbigay ng 95-93 pabor sa Pinoy boxer.
Samantala, nalaglag naman si Colmenarez sa 11-3-1, with 11 Knockouts.




