10 February 2026
Calbayog City
Sports

Pinay Tennis Superstar Alex Eala, umakyat sa panibagong career best na No. 40 sa World Ranking

TULOY-tuloy ang pag-akyat ng Filipina tennis sensation na si Alex Eala sa World Ranking.

Kasunod ng matatag na kampanya sa Abu Dhabi, umakyat sa panibagong career-high rankings sa singles at doubles ng Women’s Tennis Association (WTA) ang bente anyos na Pinay.

Naabot ni Eala ang No. 40 sa singles, na mas mataas ng limang puntos mula sa No. 45 noong nakaraang Linggo.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).