OPISYAL nang umakyat sa top 75 ng Women’s Tennis Association (WTA) ang Filipina tennis super star na si Alex Eala.
Mula sa 140th at tumalon sa 75th ang Pinay tennis ace sa latest WTA rankings, kasunod ng kanyang makasaysayang kampanya sa 2025 Miami Open kung saan umabot siya sa semifinal round.
ALSO READ:
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Tinalo ng disi nueve anyos na wildcard ang tatlong grand slam champions sa kanyang pag-akyat sa final four ng tournament bago kinapos sa home bet at World No. 4 na si Jessica Pegula.
Si Eala ang kauna-unahang Pilipino na umabot sa semis ng WTA 1000 tournament at nagpataob sa dalawang top five players simula nang ma-publish ang WTA tour rankings noong 1975.
