MAGANDA ang simula ng bagong taon para sa Filipina Tennis Sensation na si Alex Eala.
Kasabay ng pagpasok ng 2024 ay ang bagong Career-Best Ranking ng pinay Tennis Ace, bago sumabak sa kanyang first big competition sa susunod na linggo.
Mula sa No. 189 noong October 2023, umakyat si Eala sa No. 185 para sa opening rankings ng Women’s Tennis Association (WTA), ilang araw bago ang kanyang pinakahihintay na pagbabalik sa Australia Open.
Nakakuha ng ticket ang disi-otso anyos na Pinay Tennis Star sa qualifying draw noong nakalipas na linggo, at umaasang makapapasok sa main competition makaraan ang early exit noong nakaraang taon.