INAASAHAN na ang paglahok ng Filipina Tennis Star na si Alex Eala sa ilang High-Profile Tournaments sa mga susunod na linggo.
Naghahanda na ang World No. 68 na si Eala para sa kanyang pinakahihintay na US Open Debut sa Final Grand Slam ng taon bago lumipad patungong Brazil, kung saan magbabalik ang WTA sa Sao Paulo makalipas ang dalawampu’t limang taon.
ALSO READ:
NLEX, natakasan ang San Miguel sa PBA Season 50 Philippine Cup
Imports at Fil-Foreign players, binigyan na ng Go signal para makapaglaro sa PVL Reinforced Conference
Pinay Tennis Ace Alex Eala, handang pangunahan ang Team Philippines sa Thailand SEA Games
Magnolia, naungusan ang Barangay Ginebra sa Debut ni LA Tenorio bilang Head coach
Sa social media, inanunsyo ng Rafa Nadal Academy ang pagsali ni Eala sa US Open, para sa kanyang First Tournament simula noong July 28.
Una nang ininda ng bente anyos na Pinay ang injury sa balikat dahilan para mapilitan siyang mag-withdraw mula sa Cincinnati Open, at nag-rule out sa kanya sa Montreal Open.