KINUMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may isang Pinay na nasawi sa missile attack sa Israel.
Sa update mula sa pangulo, nasawi ang Pinay na si Mary Anne Velazquez Rivera na taga-Pangasinan.
Isa aniyang caregiver sa Israel si Rivera at tinutulungan ang kaniyang alaga na makarating sa bomb shelter, pero hindi na sila nakaabot pa sa bomb shelter at tinaman ng shrapnel ng bomba.
Tiniyak naman ng presidente ang tulong sa pamilya ni Rivera.
Tiniyak din ng pangulo ang patuloy na pagbibigay ng updates sa mga kaganapan sa Middle East, partikular ang kalagayan ng mga Pinoy.
Samantala, Tiniyak ng Department of National Defense ang kahandaan nito at ng Armed Forces of the Philippines na tumulong sa paglilikas ng mga Pinoy sa mga bansang apektado ng kaguluhan sa Middle East
Ayon sa pahayag ng DND, nakasubaybay ito sa sitwasyon sa Gitnang Silangan, kasama ang Department of Foreign Affairs, Department of Migrant Workers at iba pang ahensya ng gobyerno.
Nananatili ring handa ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na tumugon sa mga pangangailangan ng mga kababayan Pinoy kasama na ang paglikas sakaling ito ay ipag-utos.
Sa kasalukuyan, sinabi ng DND na ang gulo ay nananatili lamang sa Gitnang Silangan at walang inaasahang direktang banta sa teritoryo ng Pilipinas.
Hinikayat ng DND ang publiko na maging mapagmatyag laban sa disinformation.
Sa ngayon, pangunahing prayoridad ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga Pinoy sa ibang bansa.




