PUMANAW na ang pinaniniwalaang World’s Oldest Marathon Runner na si Fauja Singh, matapos mabundol ng sasakyan sa India, sa edad na isandaan at labing apat.
Ayon sa mga awtoridad, tumatawid sa kalsada ang British-Indian Runner nang mabundol ito ng hindi natukoy na sasakyan sa Punjab.
Si Singh na isang Global Icon ay nakapagtala ng records sa pamamagitan ng Marathons sa iba’t ibang Age Categories, kahit lagpas na siya sa isandaang taong gulang.
Nagsimula siyang tumakbo sa edad na 89, at lumahok sa siyam na Full Marathons sa pagitan ng 2000 hanggang 2013, kung kailan siya nag-retiro.




