HINDI bababa sa labing apat ang patay sa itinuturing na pinakamalalang baha sa Bali, Indonesia sa nakalipas na isang dekada.
Bagaman tumigil na ang malalakas na pag-ulan at nagsisimula nang bumaba ang tubig, patuloy pa rin ang mga rescuer sa paghahanap ng survivors.
ALSO READ:
Dalawa katao ang nawawala sa Denpasar habang walo ang naitalang patay.
Simula noong Martes ay daan-daang residente ang lumikas matapos lumubog ang kanilang mga bahay.
Una nang nagdeklara ang Provincial Government ng isang linggong State of Emergency.




