UMANGAT ang Pilipinas ng tatlong Spots sa Global Ranking ng World Economies, ayon sa Innovation Capabilities.
Batay ito sa Global Innovation Index ngayong taon na ni-release ng World Intellectual Property Organization (WIPO).
Umakyat ang Pilipinas sa ika-50 na pwesto mula sa 139 na bansa mula sa 53rd mula sa 133 Economies noong 2024.
Mas mataas ito kumpara sa Government Target Ranking na 52nd ngayong taon sa ilalim ng Philippine Development Plan (PDP).
Inihayag ni Department of Economy, Planning, and Development (DEPDEV) Secretary Arsenio Balisacan, ang paglagpas sa 2025 Target ay resulta ng Sustained Reforms, Targeted Investments, at matatag na kolaborasyon ng iba’t ibang sektor at Key Players sa Innovation Ecosystem ng bansa.