19 October 2024
Calbayog City
National

Pilipinas pinag-aaralang kasuhan ang China kaugnay ng banggaan ng mga barko sa West Philippine Sea

IKINU-konsidera ng Pilipinas ang pagsasampa ng kaso laban sa China sa International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS) kaugnay ng banggaan ng Filipino at Chinese vessels noong linggo.

Sinabi ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya na sa ngayon ay maraming options ang kanilang pinag-aaralan.

Idinagdag ng opisyal na pagpapasyahan ito ng cabinet cluster at ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Binigyang diin ni Malaya, na siya ring tagapagsalita ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), na nai-report na ng Department of Foreign Affairs at ng Philippine Coast guard Ang mga paglabag ng China na nagresulta sa banggaan ng mga barko.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *