Umaapela ng suporta ang Pilipinas para sa non-permanent seat sa United Nations Security Council (UNSC).
Sa kanyang talumpati sa United Nations General Assembly, humihiling ng pwesto para sa Pilipinas si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa UNSC para sa 2027 hanggang sa 2028 na termino, kasabay ng pagtukoy sa kasaysayan ng bansa sa United Nations.
Sinabi ni Manalo na bilang unang republika sa asya at founding member ng UN, ang mahusay na pakikitungo ng Pilipinas ay alinsunod sa itinataguyod na kapayapaan, pagkakapantay-pantay ng soberanya ng bawat estado, mga karapatan at dignidad ng lahat ng tao.
Idinagdag ng kalihim na ang Pilipinas ay “trusted partner, innovative pathfinder and committed peacemaker,” at may taglay na karanasan, lalim, at mabilis na pakikipag-ugnayan sa international community para tugunan ang karaniwang global challenges.
Makakatunggali ng Pilipinas ang Kyrgyztan sa naturang pwesto sa UNSC.