14 July 2025
Calbayog City
Business

Pilipinas, nakapagtala ng 298 million dollars na BOP Deficit noong Mayo

PUMALO sa Deficit na 298 million dollars ang Overall Balance of Payments (BOP) Position ng Pilipinas noong Mayo mula sa Deficit na 2.6 billion dollars noong Abril.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), repleksyon ito ng nabawasang Foreign Currency Deposits ng national government sa Central Bank para bayaran ang mga utang sa labas ng bansa.

Simula Enero hanggang Mayo, nasa 5.8 billion dollars na ang Deficit na kabaliktaran ng 1.6 billion dollars na Surplus na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa pagtaya ng BSP, aabot sa 2.1 billion dollars ang BOP Surplus ngayong 2025.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).