INANUNSYO ng Department of Agriculture (DA) na mag-i-isyu ito ng sanitary at phytosanitary import clearance para sa importasyon ng sibuyas.
Inihayag ng DA na layunin ng importasyon na matiyak ang sapat na supply ng sibuyas para sa nalalapit na holidays at maiwasan ang paglobo ng presyo nito gaya ng naranasan noong 2022.
Plano ng ahensya na umangkat ng 17,000 metric tons ng red onions at 4,000 metric tons ng yellow onions mula sa China, India, at the Netherlands.