NAKALIKHA ang turismo sa Pilipinas ng 4.2 billion dollars sa pamamagitan ng pagdagsa ng mga turista simula Jan. 1 hanggang June 18.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, ang naturang pigura ay mas mataas ng 0.48 percent, kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
As of July 30, nakapagtala ang ang Department of Tourism (DOT) ng 3,473,726 International Visitors, na kinabibilangan ng 3.15 million Foreigners at 317,536 Overseas Filipinos.
Inihayag din ni Frasco na plano nilang i-recalibrate ang kanilang targets ngayong taon, bilang konsiderasyon sa mga hamon na kinakaharap ng sektor ng turismo.