LUMAGDA ang Pilipinas at United Arab Emirates (UAE), sa isang tratado na sumasaklaw na extradition, mutual legal assistance in criminal matters, at paglipat ng kustodiya sa mga sentensyadong indibidwal.
Pinangunahan ito nina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at UAE Justice Minister Abdullah Sultan Bin Awad Al Nuaimi.
Inihayag ng Department of Justice sa facebook post, na ang kasunduan ay nangangahulugan ng pagtutulungan upang pagtibayin ang legal cooperation at tiyakin ang hustisya sa pagitan ng dalawang bansa.
Ang treaty na pinirmahan sa dubai ay sinaksihan ni First Lady Liza Araneta-Marcos.