Pumayag ang Pilipinas at China sa isang arrangement o kasunduan para sa pagre-resupply sa mga sundalong naka-destino sa West Philippine Sea, kasunod ng mararahas na komprontasyon sa pinagtatalunang teritoryo.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nagkasundo ang Pilipinas at China na magkaroon ng provisional arrangement para sa resupply ng mga pangangailangan at rotation mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Hindi nagbigay ang DFA ng iba pang detalye ng naturang arrangement, bagaman inihayag na kapwa kinilala ng magkabilang panig na kailangan pahupain ang sitwasyon sa South China Sea at plantsahin ang gusot sa pamamagitan ng dayalogo at konsultasyon.