TINATAYANG bababa ang rice imports ng Pilipinas ng 500,000 metric tons ngayong taon mula sa naunang projections bunsod ng dalawang import ban na magiging epektibo sa Setyembre, ayon sa United States Department of Agriculture (USDA).
Sa kanilang “Grain: World Markets and Trade Report” ngayong Agosto, tinaya ng Foreign Agricultural Services ng USDA na babagsak ng 9.3% o sa 4.9 million metric tons ang rice imports ng Pilipinas, mula sa naunang projection na 5.4 metric tons.
Iniugnay ng US Agency ang lower projections sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspindihin ang pag-aangkat ng bigas sa loob ng dalawang buwan simula sa Sept. 1 upang protektahan ang mga lokal na magsasaka.
Sa kabila naman ng mas mababang projections, nakasaad sa report ng USDA na mananatili ang Pilipinas bilang world’s largest rice importer ngayong taon.