LUMOBO ng Double-Digit ang Total Revenues ng Gaming Industry ng bansa, na umabot sa mahigit 200 billion pesos sa unang anim na buwan ng 2025.
Sa datos mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), lumago sa 214.75 billion pesos ang Gross Gaming Revenues (ggr) ng sektor simula Enero hanggang Hunyo.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Mas mataas ito ng dalawampu’t anim na porsyento kumpara sa 171 billion pesos na naitalang GGR sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ang paglago ay iniugnay sa patuloy na pagtangkilik ng mga Pilipino sa Electronic Gaming Sector na binubuo ng E-Games, E-Bingo, at Bingo Grantees, na nakapagtala ng 114.83 billion pesos na Gross Revenues o 53.47 percent ng kabuuang GGR.