Nanindigan ang Philippine Coast Guard (PCG) na ang Escoda Shoal ay nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas, batay sa International Law at may karapatan silang mag-operate sa lugar sa kabila ng pag-angkin dito ng China.
Ginawa ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, ang pahayag makaraang sabihin ng Chinese Foreign Ministry na naghain ito ng pormal na protesta dahil sa presensya ng BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal.
Mensahe ni VP Sara ngayong Undas: Pagkakaisa, Pag-asa dapat manaig sa bawat pamilyang Pilipino
Appeals Chamber ng ICC may Napili nang judge na hahawak sa apela ni FPRRD
Mga biyahero hinikayat na isumbong ang mga tiwaling LTO Personnel
Malakihang pagtaas sa presyo ng diesel nakaamba sa susunod na linggo
Iginiit ni Tarriela na ang Escoda Shoal ay nasa loob ng EEZ ng Pilipinas, alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at 2016 Arbitral Award.
Aniya, karapatan ng PCG na mag-operate sa naturang lagoon hangga’t kinakailangan, nang walang permiso mula sa alinmang bansa.
Tinatawag ng China ang Escoda Shoal bilang Xianbin Jiao, na anila’y bahagi ng kanilang Nansha islands.
