Inanunsyo ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na dadalo siya sa inagurasyon ni US President-Elect Donald Trump sa Jan. 20.
Sinabi ni Romualdez na imbitado ang envoys ng iba’t ibang bansa sa naturang event na gaganapin sa US Capitol sa Washington DC.
ALSO READ:
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Dating Ombudsman Samuel Martires, itinangging nagkaroon ng Midnight Appointments
Payo ng DOH sa mga pagtitipon sa Undas; seniors at mga bata, ingatan sa Flu
Inihayag din ni Romualdez, na bilang bahagi ng polisiya ay walang head of state na imbitado sa inagurasyon ni Trump, at tanging ambassadors lamang ang dadalo.
Una nang tinawagan ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Trump para batiin sa pagka-panalo nitong muli bilang presidente ng Amerika noong November 2024 laban kay US Vice President Kamala Harris.
