22 April 2025
Calbayog City
National

PhilHealth, hindi totoong inalisan ng budget para sa 2025, ayon sa DOH

ITINANGGI ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang mga ipinakakalat na impormasyon na walang inilaang budget para sa PhilHealth para sa taong 2025.

Ayon kay Herbosa, may P284 billion na budget ang PhilHealth para sa susunod na taon.

Sinabi ni Herbosa na ang subsidiya ng gobyerno ang inalis sa PhilHealth dahil sa laki ng kanilang surplus budget noong nakaraang taon.

Ayon kay Herbosa, P74 billion ang kailangang pondo para sa subsidy ng mga indirect contributors nito.

Ibig sabihin, kayang-kaya aniya itong tustusan ng Philhealth mula sa P150 billion na sobrang budget nila noong nakaraang taon,

Paglilinaw din ng kalihim na walang mawawalang benepisyo sa PhilHealth at ang mga kumakalat sa social media ay pananakot lamang. (DDC)

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.