INANUNSYO ng Department of Education (DepEd) na sisimulan nilang ipamahagi ang 20,000 pesos na Service Recognition Incentive (SRI) para sa teachers at non-teaching staff sa Dec. 20, araw ng Biyernes.
Kasunod ito ng inilabas na Department of Budget and Management circular letter at DepEd Memorandum para sa Fiscal Year 2024 SRI.
Itinuturing ito ni Education Secretary Sonny Angara na makasaysayang pangyayari sa DepEd, dahil ito ang pinakamataas na ipinagkaloob na SRI para sa kanilang mga kawani.
Kasabay nito ay ang pasasalamat ng kalihim kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa suporta at pagbibigay ng prayoridad sa kapakanan ng mga guro at staff na nagsisilbing backbone ng education sector.