21 March 2025
Calbayog City
Sports

Petro Gazz, pinatikim sa Cignal ang unang talo bago ang PVL Holiday Break

PINATIKIM ng Petro Gazz sa Cignal ang unang talo sa score na 25-19, 25-21, 25-18, sa PVL All-Filipino Conference sa Philsports Arena.

Natikman ng Cignal ang unang kabiguan sa kamay ng Petro Gazz sa huling laro ng 2024 Preliminary prelimiary Round Games ng liga bago ang holiday break.

Pinangunahan ni Brooke Van Sickle ang Angels sa kanyang 19 points na kinabibilangan ng 13 mula sa attacks at anim na blocks, habang nag-ambag si Myla Pablo ng 15 points, para maka-abante ang Petro Gazz sa 5-1.

Samantala, magbabalik-aksyon ang PVL sa Jan. 18 sa pamamagitan ng triple header na pangungunahan ng match sa pagitan ng Akari at PLDT.

Maghaharap din ang Farm Fresh at NXLED sa pagbubukas ng 2025 games, na susundan ng game sa pagitan ng Zus Coffee at Choco Mucho.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).