IBINASURA ng Korte Suprema ang petisyon na kumukwestyon sa legalidad ng Executive Order Number 94 na lumikha sa Independent Commission for Infrastructure o ICI.
Ayon sa pasya ng SC, hindi na-meet ng petisyon ang basic requirement para sa pagsasagawa judicial review.
ALSO READ:
Maliban dito, nalabag din umano ang hierarchy of courts sa paghahain ng petisyon.
Hindi kasi nakapagbigay ng rason ang petitioners kung bakit agad nitong iniakyat sa SC ang petisyon sa halip na dumaan muna sa lower courts.
Ang petisyon na kumukwestyon sa pagbuo ng ICI ay inihain ni Jacinto Paras at iba pang petitioners.
Ayon sa petitioners nalabag ang equal protection clause sa pagbuo ng ICI.




