NANATILING neutral ang net satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ayon sa resulta ng latest survey ng Social Weather Station o SWS.
Forty percent ng mga respondent and nagsabing satisfied sila sa performance ng pangulo habang 43 percent ang dissatisfied at 17 percent ang undecided.
Kumakatawan ito sa apat sa bawat sampung Pinoy ang kuntento sa performance ng pangulo. Ginawa ang survey simula November 24 hanggang November 30, 2025.
Halos wala namang ipinagbago ang mga numero ng pangulo sa nakaraang survey noong Setyembre.




