15 January 2026
Calbayog City
National

Persons of interest sa pagkawala ng beauty queen at Israeli boyfriend tukoy na ng PNP

persons of interest

MAY ilang Persons of Interest (POIs) na ang PNP na posibleng may kinalaman sa pagkawala ng beauty pageant candidate at sa kanyang Israeli boyfriend.

Pahayag ito ni PNP spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo, bagaman tumanggi muna itong tukuyin ang pagkakakilanlan ng POIS at kung ilan ang mga ito, upang hindi makompromiso ang imbestigasyon.

Batay sa mga report, nakipagkita umano ang mutya ng Pilipinas Pampanga 2024 candidate na si Geneva Lopez at boyfriend nito na si Yitchak Cohen sa isang “Middleman” sa Tarlac para tingnan ang mahigit dalawampung ektaryang lupain na balak nilang bilhin.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).