TULOY-tuloy ang pag-akyat ng Filipina tennis sensation na si Alex Eala sa World Ranking.
Kasunod ng matatag na kampanya sa Abu Dhabi, umakyat sa panibagong career-high rankings sa singles at doubles ng Women’s Tennis Association (WTA) ang bente anyos na Pinay.
ALSO READ:
Naabot ni Eala ang No. 40 sa singles, na mas mataas ng limang puntos mula sa No. 45 noong nakaraang Linggo.
Nakapasok din ang Pinay tennis ace sa top 100, at pumuwesto sa No. 99 sa doubles.
Ito na ang ikalawang sunod na buwan na nagsunod-sunod ang pag-angat ni Eala sa WTA Ranking, na mula sa No. 49 noong mag-umpisa ang taon ay umakyat sa No. 45, at ngayon ay No. 40 na.




