NAGSIMULA ng gumawa ang Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Northern Samar Provincial Jail sa bayan ng Bobon ng mga tinapay at pastries sa ilalim ng bagong livelihood initiative na tinawag na “Panaderia sa Selda.”
Ang naturang proyekto ay bahagi ng mas malawak na skills enhancement at livelihood program ng Northern Samar Provincial Development para sa vulnerable sectors.
Martsa at rally, isasagawa sa Calbayog City bukas bilang paggunita sa anibersaryo ng EDSA People Power
Pahinante, nasagip matapos bumaliktad ang sinasakyang truck sa San Juanico Bridge
Upgraded na Tacloban Airport, inaasahang magiging international gateway ngayong 2026
Passport on Wheels, darating sa Samar sa Marso
Tumanggap ang asosasyon ng mga PDL ng mga oven, baking tools, kitchen equipment, at initial supplies para sa pagsisimula ng kanilang operasyon.
Nakumpleto ng participants ang komprehensibong baking and pastry training program na nagbigay ng hands-on instruction sa proper measurement, dough preparation, oven timing, at pag-maintain ng product consistency.
Ang training ay pinangasiwaan ni Jail Management Officer Carlito Dela Rosa, kasama ang jail personnel upang matiyak ang pagtalima sa quality at operational standards.
