NAGSAGAWA ang Philippine Coast Guard (PCG) ng medical evacuation sa isang kwarenta’y singko anyos na tripulanteng Pinoy mula sa isang Japanese Merchant Ship sa Guiuan, Eastern Samar.
Ayon sa PCG, matagumpay na nailikas ng BRP Capones ang tripulante mula sa M/V Yodohime, makaraang mag-radyo ang kapitan ng barko dahil hindi makausap at naparalisa ang kanang bahagi ng katawan ng Filipino Crewman na si Espiridion Real.
Dumating ang BRP Capones sa Tacloban Port kung saan dinala si Real sa Eastern Visayas Medical Center upang mabigyan ng atensyong medikal.