NAKABALIK na ng bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang kaniyang State Visit sa Cambodia bitbit ang limang nalagdaang Business Deals.
Hapon ng Martes, Sept. 9 ay dumating sa bansa ang pangulo mula sa tatlong araw na pagbisita sa Phnom Penh.
Financial Transactions ng Flood Control Contractors, iniimbestigahan na ng AMLC
Dating DPWH Sec. Bonoan, pinangalanan sa bagong pasabog ni Sen. Lacson
Senators Jinggoy Estrada at Joel Villanueva, idinawit sa maanomalyang Flood Control Projects
Mag-asawang Discaya, pinangalanan ang mga kongresista at iba pang mga opisyal na nakinabang sa umano’y maanomalyang Flood Control Projects.
Sa kaniyang Arrival Statement sinabi ng pangulo na nakakuha sila ng limang kasunduan sa top businesses sa Cambodia.
Sinabi ng pangulo na naging produktibo ang pakikipagpulong sa mga negosyante ng nasabing bansa kasama ang Official Business Delegation ng Pilipinas.
Mayroon ding nilagdaang tatlong kasunduan ang Pilipinas at Cambodia sa usapin ng Police Cooperation, Higher Education, at Air Connectivity.
Habang sinamantala din ang pagbisita ng pangulo sa nasabing bansa para mai-update ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Philippine National Police at ng Cambodian National Police sa pagtutulungan sa paglaban sa Transnational Crime.