IPINAG-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga ahensya ng gobyerno na ibigay ang kinakailangang suporta sa mga paaralan sa buong bansa, kasabay ng pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral para sa panibagong school year.
Kanina ay binista ni Pangulong Marcos ang Epifanio Delos Santos Elementary School sa Malate, Maynila, para obserbahan ang pagbubukas ng mga klase.
Sa kanyang pagbisita ay nagkaroon ng pagkakataon ang punong ehekutibo na makasalamuha ang ilang mag-aaral at school personnel.
Kinausap din ng pangulo ang ilang school administrators sa Department of Education (DepEd) Online Meeting para kumustahin ang sitwasyon sa unang araw ng pagbabalik-eskwela.
Tiniyak din ni Pangulong Marcos na kumikilos ang mga awtoridad upang masiguro na ang mga paaralan ay mayroong basic facilities, gaya ng kuryente at tubig.