19 March 2026
Calbayog City
National

PBBM aminadong outdated na ang maraming polisiyang umiiral sa bansa

SA kaniyang latest vlog ay tinalakay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ipinatutupad na bagong polisiya ng pamahalaan upang mas lalo pang mapabuti ang kalagayan ng mamamayan.

Hinimok ng pangulo ang mga Pilipino na magbigay ng suhestyon para makapagpatupad ang pamahalaan ng responsive policies at upang mapalitan na ang mga luma at outdated nang solusyon sa mga matagal nang suliranin ng bansa.

Aminado si Pangulong Marcos na marami sa mga polisiyang pinaiiral ngayon ang hindi na akma sa kasalukuyang panahon.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.