ITINANGHAL si Boston Celtics Shooting Guard Payton Pritchard bilang Sixth Man of the Year ng NBA.
Tumanggap ang American Cager ng 545 points sa balloting, kabilang ang 82 mula sa 100 first-place votes na galing sa Global Media Panel.
ALSO READ:
NLEX, natakasan ang San Miguel sa PBA Season 50 Philippine Cup
Imports at Fil-Foreign players, binigyan na ng Go signal para makapaglaro sa PVL Reinforced Conference
Pinay Tennis Ace Alex Eala, handang pangunahan ang Team Philippines sa Thailand SEA Games
Magnolia, naungusan ang Barangay Ginebra sa Debut ni LA Tenorio bilang Head coach
Si Pritchard na nasa kanyang ikalimang NBA season sa ilalim ng Celtics, ay nag-average ng career high na 14.3 points, 3.8 rebounds at 3.5 assists sa 80 games.
Pumangalawa si Malik Beasley ng Detroit Pistons na may 279 points at 13 first-place votes.
Ang ikatlong finalist na si Ty Jerome ng Cleveland Cavaliers ay nakakuha naman ng 91 points at dalawang first-place nods.